AKSYON ILET/ Ingat, ingat dami pa bagyong darating

Ni ILET BREGUERA

NAPAKARAMING problema ang ating kinakaharap.

Nandiyan ang krisis sa bigas, paghirit ng presyo ng langis. ang mga sinalanta ng bagyong Frank na hanggang ngayon karamihan sa mga ito ay hindi pa nakakabangon at bakas pa ang pinagdaanang naunang hirap dulot ng bagyong si Cosme.

At hindi pa nagtatapos diyan and kalbaryo – dahil ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) …. na kung minsan eh… wala na yatang kapaga pagasa .. may darating pa raw na 16 na bagyo na malamang mas malakas pa kay bagyong Frank (sana sa opisina ninyo tumama… ) ang inaasahang darating sa bansa hanggang sa buwan ng Disyembre.

Dapat mag-ingat ang publiko sa lahat ng pagkakataon.

Hindi lang ang mga mamamayan ang maging handa sa mga pagkakataong ganyan. Dapat din na handa ang mga local goverment units ( LGUs ) sa mga darating pang kalamidad.
Mabuti siguro kung kayo ay residente ng siyudad ng Dagupan na walang problema kasi laging nakahanda ang mga opisyales dito… ( Sa totoo lang yan ah.. walang halong s_p s_p )

* * * *
Dumako naman tayo sa bayan ng Pozorrubio partikular diyan sa Brgy. Inoman ( pero hindi lasenggero ang mga tao diyan, Ilet ah) kung saan ang barangay kapitan na si Romer Partible ay sinampahan ni Ms. Encarnacion Pulido ng nabanggit na lugar ng tatlong kaso at ito ay susundan pa ng isa sa mga susunod na araw.

Napagalaman na ang mga kasong ito ay una, cutting of mahogany tree; pangalawa, forcible entry at pangatlo, theft. Iyong susunod pang isa ay malalaman natin sa mga susunod pang araw.

Sa ating ginawang ekslusibong pakikipagpanayam kay Gng. Pulido, sinabi nito na noong ika – 7 ng Pebrero ng taong kasalukuyan, ang tatay, tatlong kapatid at dalawang pamangkin ni Kapitan Partible ay pinutol nila ang mahogany plant ng naturang ginang na ayon sa kanya ay nagkaka edad na ng apat na taon.

Ayon kay Gng. Pulido, meron siyang ” certification of plantation ownership ” na ito daw umano ay galing sa DENR ang seedling kung kaya’t ito ay dokomentado ayon pa rin sa kaniya.

* * * *
” I dont consider them as my kalaban naman, sabihin na natin na I didn’t vote for the barangay captain but then noong after the election talagang lahat ng proyekto niya ay sinuportahan ko, gaya ng road widening. I donated my property without any questions asked para mapaluwag lang ang aming kalsada. but then siguro because of little learning and greed kaya nagawa nila sa akin yon, pahayag ni Pulido.

Sinasabi naman daw ng kabilang kampo ayon kay Pulido na pagaari nila ang naturang mahogany plant, kung kaya’t hinamon niya ang mga ito na kumuha na lamang ng isang geodetic engineer at siya na mismo ay magbabayad sa naturang gastusin pero hindi binigyan ng atensiyon ng kabilang kampo ang kahilingan ng ginang.

Hanggang sa ito ay mauwi na nga sa pagsasampa ng kaso.
Sa susunod nating kolum, kukunan din natin ng pahayag ang kabilang kampo hinggil dito.


    rss RSS 2.0    commentgreen Response

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.


Hand Sanitizer